ISO 1250  f / 1.8  1/1250
ISO 1250 f / 1.8 1/1250
ISO 2000  f / 1.8  1/500
ISO 2000 f / 1.8 1/500
ISO 1250  f / 1.8  1/320
ISO 1250 f / 1.8 1/320
ISO 1250  f / 1.8  1/320
ISO 1250 f / 1.8 1/320
ISO 1250  f / 1.8  1/320
ISO 1250 f / 1.8 1/320
ISO 1250  f / 1.8  1/320
ISO 1250 f / 1.8 1/320
Kung may bibigyan man ako ng "spotlight" at gagawan ng salaysay hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ibida ang aking Tito na Si David Chua, kilala sa amin bilang Dave. Ang paborito sa pamilya namin, siyang paborito ko rin.
 Hindi pa ako isinisilang sa mundo ay malikot na siyang nag-aabang sa pagdating ko noong pinagbubuntis ako ng aking ina. Kaya naman mula pagkabata ay, si Kuya Dave na agad ang aking kalaro at kaibigan.
Si Kuya Dave ay mahilig sa maraming bagay, naging fan siya ng Kathniel noon, LizQuen naman ngayon, pero ang hindi mawawala ay ang hindi rin naman natatapos na Cardo Dalisay. Paborito niya din si Stephen Curry, na kontrapelo ng paborito kong NBA player na si Lebron. Aktibong aktibo rin siya sa basketbol at sa kung ano anong  larong pam-palakasan, kapag sinabihan mo rin siya na sumayaw ay siyang buong giliw niyang gagawin, mapangiti ka lang. Siya ang pinaka sikat ika nga sa lugar ng trabaho dahil maraming may peyborit sa kaniya sa kadahilanang napaka energetic at bibo ni Kuya Dave. Iilan lamang yan sa mga kayang ibigay ni Kuya Dave sa buhay namin at kung sakaling makgkadaupang palad kayo ay maibibigay niya rin sa inyo.
ISO 100 f / 1.8  1/800
ISO 100 f / 1.8 1/800
ISO 100 f / 1.8  1/800
ISO 100 f / 1.8 1/800
ISO 100 f / 1.8  1/800
ISO 100 f / 1.8 1/800
ISO 100 f / 1.8  1/800
ISO 100 f / 1.8 1/800
ISO 100 f / 1.8  1/800
ISO 100 f / 1.8 1/800
ISO 200 f / 1.8  1/30
ISO 200 f / 1.8 1/30
ISO 200 f / 1.8  1/30
ISO 200 f / 1.8 1/30
ISO 200 f / 1.8  1/30
ISO 200 f / 1.8 1/30
ISO 200 f / 1.8  1/30
ISO 200 f / 1.8 1/30
Mula sa paglalaro namin sa Super Famicom noong wala pa akong malay sa paglalaro ng video games, sumunod naman ang panahon na sa sabay kaming nag-karoon ng gameboy na halos inuumaga na ng tulog kakalaro ng Pokemon at Power Rangers na balang hinihipan namin kapag hindi gumagana. Hanggang sa kasalukuyan ngayon na parehas kaming nagakaroon ng Nintendo Switch na halos hindi ko na magalaw dahil pirming nasa labas at busy sa sariling ganap, pero alam  ko na alam niya naman na makakahanap pa din naman ako ng panahon para magbigay ng oras. Malakas siya sa akin eh! Pero alam kong hindi maiiwasan na hinahanap ako parati ni Kuya Dave, yung tipong magvivideo-call siya sa messenger habang nasa Zoom/ Gmeet Conference.
David Chua, nais ko lang sabihin na hindi lang ang buhay namin ang pinapasaya at binubuo mo, dahil alam kong kaya mo ring buoin ang buhay ng napakarami pa. Ikaw na nagsisilbing ilaw at kasiyahan sa magulong mundong ginagalawan natin. Lagi mong tatandaan na para’t parati kitang ipinagmamalaki at minamahal.

You may also like

Back to Top